Orange warning itinaas sa Zambales at Bataan

Nagbabala ang Pagasa ng pagbaha sa Zambales at Bataan dahil sa pag-uulan na dulot ng Habagat.

Sa Pagasa Heavy Rainfall Warning No. 1 na inilabas alas 9:20 Lunes ng gabi, nakataas ang orange warning sa Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, San Marcelino, Subic at Olongapo sa Zambales at sa lalawigan ng Bataan.

Sa ilalim ng orange warning, kailangan ang paghahanda ng komunidad laban sa banta ng pagbaha sa mabababang lugar at malapit sa mga ilog.

Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang umiiral sa Pampanga, Bulacan, Tarlac at natitirang bahagi ng Zambales.

Nakakaranas din ng pag-uulan sa Metro Manila, Cavite, Batangas at Nueva Ecija.

Ang orange warning ay iiral sa susunod na 2 hanggang 3 oras.

 

Read more...