Militanteng kongresista pumalag sa dagdag na pondo ng pangulo

Kinuwestiyon ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang pagtaas ng confidential at intelligence funds ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.

Sa budget deliberation sa plenaryo ng Kamara, pinuna ni Gaite ang 400 percent increase ng naturang pondo na maituturing aniya’y “unprecedented.”

Sa P8.28 Billion budget ng OP, mahigit kalahati nito o P4.5 Billion ay inilalaan para sa confidential at intelligence funds.

Iginiit ni Gaite na mayroon nang specialized agencies para sa intelligence gathering tulad ng AFP at PNP kaya hindi na dapat pang mag-focus aniya rito ang OP.

Pero ayon kay House Appropriations Committee chairman Isidro Ungab, kailangan ng tanggapan ng pangulo ng pondo para sa confidential at intelligence gathering bilang tumatayo ito bilang commander-in-chief.

Tiniyak naman din ni Ungab na sumusunod sa guidelines at procedures ng Commission on Audit ang paggamit ng confidential at intelligence funds ng OP.

Read more...