Pagtuturo ng UP sa subject na martial law magandang hakbang ayon sa Malakanyang

That is good.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang sa hakbang ng University of the Philippines – Diliman, Quezon City na ituro ang martial law bilang bagong subject sa susunod na semester.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang martial law ay isang subject matter na kinakailangan na matutunan ng mga estudyante.

Sinabi pa ni Panelo na ano mang subject na may kinalaman sa governance ay dapat na ituro sa mga estudyante.

“That’s good. it’s a subject matter every student should know and learn any subject concerns governance,” ayon kay Panelo.

Una nang inaprubahan ng university council na ituro ang three unit subject na Philippine studies kung saan nakapaloob ang wika, kultura, at panitikan sa ilalim ng batas military sa Pilipinas.

Read more...