Singer na si Gary Valenciano, nagbabala kaugnay sa kumakalat na video kung saan nagpakamatay umano ang anak nitong si Gab

By Angellic Jordan September 16, 2019 - 02:19 PM

Nagbabala ang singer na si Gary Valenciano ukol sa kumakalat na video kung saan sinabing nagpakamatay ang anak nitong si Gab dahil sa depression.

Sa Instagram, sinabi ni Gary na walang katotohanan sa lumabas na video.

Makikita sa post ng singer ang screenshot kung saan isang netizen ang nagpaalam kay Gary ukol sa fake video.

Nilinaw nito na walang kasalanan ang ABS-CBN News dahil lumalabas din aniyang biktima ito sa insidente.

Lumabas ang nasabing fake news matapos ibahagi ni Gab ang kaniyang tangkang pagpapakamatay dati kasabay ng World Suicide Prevention Day.

Samantala, tiniyak din ni Gab sa kanyang mga tagahanga na maayos ang kanyang kalagayan sa pamamagitan ng pag-post sa kaniyang Instagram account.

Nag-abiso naman si Gary sa kanyang mga tagahanga na huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat na balita.

TAGS: ABS-CBN News, fake news, fake video, Gab Valenciano, Gary Valenciano, tangkang pagpapakamatay, ABS-CBN News, fake news, fake video, Gab Valenciano, Gary Valenciano, tangkang pagpapakamatay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.