Panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience tiyak na lulusot sa Kamara

By Erwin Aguilon September 16, 2019 - 01:43 PM

Inquirer photo

Siniguro ng Kamara na kaagad na maaprubahan ngayong 18th Congress ng panukala tungkol sa paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang tanging ahensya na tutugon sa disaster response ng bansa.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez na siya ring Chairman ng Committee on Rules, mas magiging epektibo ang disaster risk reduction and management ng pamahalaan.

Mababawasan din anya ang epekto o pagkasira ng mga lugar na matatamaan ng kalamidad gayundin ang pagtuturo na maging disaster resilience ang mga lokal na komunidad sa parehong natural disaster at climate change.

Paliwanag pa ni Romualdez, kung magkakaroon ng ahensya na para lamang sa disaster ay ginagarantiya nito ang mas synchronize at close coordination sa lahat ng lugar sa bansa kung saan hindi na madedelay ang anumang tulong na kakailanganin ng isang lugar na winasak ng kalamidad.

Iginiit naman ni House Deputy Speaker Raneo Abu ang agad na pagpapasa sa DDR upang agad na makapagresponde ang gobyerno sa kalamidad.

Sa loob aniya ng isang taon, 20 tropical cyclones ang tumatama sa bansa wala pa dito ang lindol at iba pang natural calamities.

TAGS: Department of Disaster Resilience (DDR), disaster response, House Majority Leader Martin Romualdez, Department of Disaster Resilience (DDR), disaster response, House Majority Leader Martin Romualdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.