EDSA ipinanukalang gawing mass transport highway
Inirekomenda ni Caloocan City Rep Edgar Erice sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang pagdaan ng mga pribadong sasakyan sa EDSA kapag rush hour.
Sa rekomendasyon ni Erice sa MMDA, tanging mga mass public transport lamang ang papayagan na dumaan sa EDSA tulad ng bus at UV Express.
Ito ayon sa mambabatas ay simula alas-sais ng umaga hanggang alas-nuebe ng umaga at alas-sais ng gabi hanggang alas-nuebe ng gabi.
Dahil dito ang mga pribadong sasakyan anya ay sa mga alternate route lamang maaring dumaan sa mga nabanggit na oras.
Paliwanag ng mambabatas, ito ang kanyang nakikitang agarang solusyon sa matinding trapik sa EDSA lalo na ngayong malapit na ang holiday season.
Sa tala ng MMDA nasa 8,000 ang bus na dumadaan sa EDSA kada araw kumpara sa 200,000 na private vehicles.
Kapag naipatupad anya ito ay bibilis ang takbo ng mga sasakyan at ma e-enganyo ang mga may sasakyan na gumamit ng mass transport system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.