2 hinihinalang miyembro ng “gapos gang” kabilang ang isang dating pulis patay sa engkwentro sa Kawit, Cavite

By Jimmy Tamayo September 16, 2019 - 11:54 AM

Patay ang dalawang miyembro ng “Gapos Gang” kabilang ang isang dating pulis sa engkwentro sa otoridad sa Kawit, Cavite lunes ng umaga.

Ayon kay Cavite Police chief Police Colonel William Segun, maghahain sana ng warrant of arrest sa dating pulis na nakilalang si Arlan Aguilar dahil sa kasong robbery at homicide pero mabilis itong nakatunog.

Nang makaramdam na sinusundan siya ng mga pulis ay pinaharurot ni Aguilar at ng kasama nito ang sinasakyang motorsiklo.

Pagdating sa Abaya Road sa Barangay Toclong, agad na pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis kaya gumanti ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Ang mga napatay ay miyembro umano ng Gapos Gang na sangkot sa pagdukot sa ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue.

TAGS: cavite, engkwentro, Kawit, miyembro ng "Gapos Gang", cavite, engkwentro, Kawit, miyembro ng "Gapos Gang"

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.