3 katao kabilang ang 2 most wanted person naaresto sa Zamboanga del Norte

Arestado ang nasa tatlo katao kabilang ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ng Police Regional Office sa Zamboanga Peninsula ang mga naaresto na sina Bernandino Elopre, 41-anyos at no. 4 sa most wanted person sa Concepcion, Misamis Occidental; Niel Ian Alvarado, 21-anyos na nasa no. 6 most wanted person sa Sibutad, Zamboanga del Norte; at isang Eugenio Gailanan, 36-anyos na mayroong warrant of arrest sa kasong pagpatay.

Nabatid na si Elopre ay nahaharap sa kasong rape at may standing warrant of arrest mula sa korte sa Calamba Misamis Occidental noong 2014.

Si Alvarado ay nahaharap rin sa kasong rapeay may standing warrant of arrest mula sa korte sa Dipolog City.

Si Gailanan ay nahaharap sa kasong murder ay may warrant of arrest mula sa korte sa Imelda, Zamboanga Sibugay.

Read more...