DOE mahigpit na binabantayan ang epekto ng pag-atake sa oil facilities sa Saudi Arabia
Masusing binabantayan ng Department of Energy (DoE) ang sitwasyon sa Saudi Arabia.
Kasunod ito ng drone attacks sa dalawang petroleum facility na pag-aari ng Saudi government.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na agad siyang nagpatawag ng emergency meeting para pag-usapan ang posibleng epekto ng insidente sa supply ng produktong petrolyo sa bansa.
Samantala, agad na nabahala ang mga negosyante sa pag-atake sa sentro ng oil industry ng Saudi Arabia.
Sa isang ulat, sinabi ni Ray Attril, pinuno ng forex strategy ng National Australia Bank, mararamdaman sa loob ng linggong ito ang epekto ng drone attacks sa global markets.
Pinangangambahan na magpataas pa sa presyo ng produktong petrolyo ang nasabing pag-atake.
Tinatayang nasa 2.3 milyong bariles ng langis kada araw ang sinusuplay ng Saudi Arabia sa OPEC.
Ang drone attacks ay inamin ng Houthi rebels sa bansang Yemen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.