Lead singer ng ’80 band na The Cars sumakabilang buhay na sa edad na 75

By Jimmy Tamayo September 16, 2019 - 11:31 AM

Sumakabilang buhay na ang lead singer ng ‘80s new wave band na The Cars na si Ric Ocasek.

Ayon sa ulat, natagpuan ang 75 anyos na si Ocasek na wala ng buhay sa tinutuluyan nitong townhouse sa 19th St. New York city.

Unang nakatanggap ng ulat ang New York Police Department (NYPD) tungkol sa walang malay na lalaki sa townhouse.

Pagdating ng emergency services ay idineklara na itong patay. Hindi pa sinabi kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng singer.

Noong isang taon, inilagay ang The Cars sa Rock and Roll Hall of Fame.

Bagamat nagsimula ang grupo sa huling bahagi ng 1970, sumikat lamang sila noong 1982 ng ilabas ang kanilang album na Shake it up kung saan galing ang pinakasikat nilang kanta na”Shake It Up” at sinundan ng isa pang album na Heartbreak City noong 1984 at inilabas ang ilan pa sa sikat nilang kanta na “ You Might Think”at “Driver.”

TAGS: edad na 75, Ric Ocasek, Sumikat ang The Cars noong 1982, The Cars sa Rock and Roll Hall of Fame, edad na 75, Ric Ocasek, Sumikat ang The Cars noong 1982, The Cars sa Rock and Roll Hall of Fame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.