Metro Manila, mga kalapit na lalawigan patuloy na inuulan

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2019 - 08:11 AM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa maraming bayan sa lalawigan ng Zambales bunsod ng patuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 8:00 ng umaga, yellow warning ang umiiral sa mga bayan ng Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, at San Antonio sa Zambales.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Quezon, at Tarlac sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Bataan, Laguna, at Batangas.

Pinapayuhan ang publiko na magmonitor sa susunod na abisong ipalalabas ng PAGASA.

TAGS: heavy rainfall warning, pagasa, weather, heavy rainfall warning, pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.