5 arestado sa rent-tangay scam sa QC

By Rhommel Balasbas September 16, 2019 - 04:09 AM

Timbog ang lima katao kabilang ang isang AWOL na pulis sa pagkakasangkot sa rent-tangay scam sa Quezon City.

Sa follow-up operation na isinagawa sa bahagi ng Tomas Morato, timbog si alyas ‘John’, dating patrolman na nakatalaga sa Southern Police District bago nag-AWOL noong 2016.

Arestado rin ang tatlong lalaki at isang babae na kasabwat ng AWOL na pulis.

Ayon sa QCPD Station 2, noong September 12 ay umarkila ng tatlong sasakyan ang mga suspek sa rent-a-car shop ni Tomy Roberto.

Nagbayad ng P22,000 ang mga suspek para sa renta ng tatlong sasakyan na dapat ay ibinalik na kahapon, September 15.

Pero naalarma ang may-ari ng mga sasakyan at humingi ng tulong sa mga pulis matapos malamang hindi na activated ang GPS ng mga sasakyan at hindi rin sumasagot sa tawag ang mga suspek.

Dahil dito, agad na nagkasa ng operasyon ang mga pulis laban sa mga suspek at natunton agad ang isa sa mga sasakyan gamit ang back-up GPS.

Arestado ang mga suspek na nakuhaan ng glock 17 caliber at beretta na pagmamay-ari ng PNP at dalawang magazine.

Narekober din ang dalawa pang ninakaw na sasakyan.

TAGS: quezon city, rent-tangay scam, quezon city, rent-tangay scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.