Higit P170K na halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa QC

By Rhommel Balasbas September 16, 2019 - 04:28 AM

Timbog ang magkapitbahay na ginang at estudyante sa buy-bust operation ng pulisya sa IBP Road, Brgy. Payatas, Quezon City, Linggo ng gabi.

Magkapitbahay sa North Caloocan ang mga suspek na edad 31 anyos ang babae at 19 anyos pa lang ang lalaki na isang senior high school student.

Ayon sa QCPD Station 6, positibong nabilhan ng poseur buyer ng P10,500 ng shabu ang mga suspek.

Umamin ang mga suspek na kanila ang nakuhang mga droga ngunit may nag-uutos din sa kanilang isa pang kapitbahay.

Nakuha mula sa dalawa ang kabuuang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

TAGS: buy bust operation, quezon city, buy bust operation, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.