DA: Local officials hindi dapat agad nag-aanunsyo ukol sa African Swine Flu
Umapela ang Department of Agriculture (DA) sa mga lokal na opisyal na huwag pangunahan ang kanilang imbestigasyon ukol sa posibleng mga kaso ng African Swine Flu (ASF).
Ito ay matapos ianunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na positibo sa ASF ang 11 patay na baboy na natagpuan sa Brgy. Bagong Silangan.
Pero ayon kay Agriculture Sec. William Dar, hindi dapat pinangungunahan ang kanilang imbestigasyon at dapat maging iisa ang anunsyo ng gobyerno ukol sa isyu.
Ayon naman kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, hindi mabilis ang proseso ng pagsusuri para makumpirma kung ASF ang ikinasawi ng mga baboy.
Ang mga pagsusuri ng mga City Veterinary Office ay kailangan pa anyang mai-validate ng Bureau of Animal Industry.
Ipadadala rin ang samples sa laboratory sa England na accredited ng World Animal Health Organization.
Dahil dito, sinabi ni Reyes na masyado pang maaga ang anunsyong ASF agad ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.