Klase sa Arellano University Manila suspendido dahil sa lindol na naganap noong Biyernes

September 16, 2019 - 06:14 AM

Suspendido pa rin ang klase ngayong araw ng Lunes (Sept. 16) sa Arellano University sa Legarda, Maynila.

Sa abiso ng Arellano University sa kanilang Facebook page, walang klase sa lahat ng antas sa AU Legarda.

Ito ay dahil kailangan pang kumpletuhin ang inspeksyon sa gusali matapos ang lindol na naganap noong Biyernes na ang sentro ay sa Burdeos, Quezon.

Inaasahang makukumpleto din ngayong araw ang inspeksyon sa pasilidad.

Wala ring pasok ang lahat ng teaching at non-teaching personnel ng AU Legarda ngayong araw.

Samantala, balik naman na ang klase ngayong araw sa AU Mandaluyong, Pasig, Pasay, at Malabon.

TAGS: Arellano University, building inspection, Radyo Inquirer, Arellano University, building inspection, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.