Mga barangay sa Zamboanga City rarasyunan ng tubig mula sa Biyernes
Magpapatupad ng pagrarasyon ng tubig sa mga barangay sa Zamboanga City dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa watershed ng lungsod.
Sa datos ng Zamboanga City Water District, nasa 74.10 meters na lamang ang antas ng tubig sa watershed.
Mas mababa ito sa 74.20 meters na normal water level sa Zamboanga City watershed.
Sa kabila ng pag-ulan na naranasan nitong nagdaang mga araw, hindi naman ito sumapat para tumaas ang water level.
Dahil dito, babawasan ang pressure ng tubig sa mga barangay sa lungsod, at mayroong itatalagang mga water tanker para magrasyon ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.