Spain nasungkit ang kampeonato sa FIBA World Cup

By Rhommel Balasbas September 16, 2019 - 04:29 AM

Pinataob ng Spain ang Argentina sa iskor na 95-75 araw ng Linggo para tanghaling kampeon ng 2019 FIBA Basketball World Cup.

Ito ang kauna-unahang beses na nasungkit muli ng Spain ang kampeonato matapos ang 13 taon.

Agresibo ang Spain na unang nakapagtala ng puntos at hindi na bumitaw sa kanilang lamang laban sa Argentina.

Matibay din ang naging depensa ng koponan laban sa 2004 Olympic champions na kalaban.

Ang point guard na si Ricky Rubio ay nakapagtala ng 20 points at three assists, at itinanghal na Most Valuable Player.

Ang panalo ng Spain ngayong 2019 ang ikalawang beses na panalo nila sa torneo sa loob ng Asya matapos matalo ang Greece sa Saitama, Japan noong 2006.

TAGS: 2019 Fiba World Cup, Ricky Rubio, Spain, 2019 Fiba World Cup, Ricky Rubio, Spain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.