8,412 katao naapektuhan ng mga pag-ulang dala ng Bagyong Marilyn
Umabot na sa 1,726 pamilya o 8,412 indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan dulot ng Bagyong Marilyn ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Linggo ng gabi.
Ayon sa NDRRMC, sa kabuuang bilang, 5,472 ang namamalagi sa evacuation centers.
Karamihan ng mga naapektuhan ay mula sa Zamboanga Peninsula, Soccskargen at Davao Region.
Samantala, 54 na lugar din ang pinalubog sa baha ng pag-uulan.
Tatlumpu’t siyam sa mga lugar na na binaha ay mula sa Pampanga, 11 sa Zamboanga City at apat sa Negros Occidental.
Ayon sa NDRRMC, nakapaglabas ng P668,762.50 ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at P54,000 mula sa local government units (LGUS).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.