Matapos ang tatlong sunod na linggong rollback, asahan naman ang big-time oil price hike ng mga kumpanya ng langis simula bukas, Sept. 17.
Sa abiso ng Petro Gazz at Shell, madaragdagan ng P1.35 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang P0.85 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel.
Ang kerosene o gaas ng Shell ay tataas din ng P1.00 kada litro.
Epektibo ang oil price hike ng dalawang kumpanya alas-6:00 ng umaga bukas.
Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang price adjustments ang iba pang kumpanya ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.