Klase sa Bocaue, Bulacan suspendido sa Lunes (Sept. 16)
By Angellic Jordan September 15, 2019 - 06:49 PM
Sinuspinde ang klase ng mga estudyante sa Bocaue, Bulacan sa araw ng Lunes (September 16).
Ayon kay Mayor Joni Villanueva, apektado ng suspensiyon ng klase ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Aniya, 84.2 porsyento ng mga barangay sa Bocaue ay lubog pa rin sa tubig-baha dulot ng high tide at ulang dala ng southwest monsoon o habagat.
Ang umiiral na habagat ay pinalakas ng Tropical Depression ‘Marilyn.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.