PROBLEMA LANG ‘YAN! ni Brenda Arcangel

brenda“You can’t live a positive life, with a negative mind and if you have a positive outcome you have a positive income ” – Miley Cyrus

True di po ba? Naka-encounter na ba kayo ng mga negative people o yung mga taong nega? Madaming ganyan sa tabi-tabi lang. Yung mga negastar, ika nga.

Sila yung reklamo ng reklamo – reklamo sa trabaho, reklamo sa kasamahan sa trabaho at reklamo sa kanyang buhay. In short hindi siya nawawalan ng reklamo sa buhay. Lakas makasira ng araw di ba?

Alam nyo ba na para pala itong sakit na nakahahawa din. Kung punong-puno pala siya ng negative energy maaari mo daw ma-absorb yan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanya.

Kung mayroon kayong ka-trabaho, kaibigan o kaya ay kakilala na ganyan ang paguugali, pansinin nyo ang mga nangyayari sa kanya at sa kanyang buhay.

Sila yung laging minamalas. Sila yung laging may problema sa pera. At higit sa lahat, sila yung laging kinaiinisan.

May kasabihan nga na “the people who are the hardest to love, are the ones who need it the most.” Ibig sabihin lang nito e kulang siya sa pagmamahal.

So paano mo nga ba haharapin ang ganitong sitwasyon ?

1. Listen but don’t get carried away – Sila daw yung uri ng tao na pinalalaki ang maliliit na isyu o kaya naman ay ine-exaggerate ang maliliit na sitwasyon sa kanyang buhay. Pansinin din, kadalasan na inuulit-ulit niya ang mga kwentong ito o kaya naman ay siya yung taong hindi mabilis maka-move-on sa isang bagay na nangyari sa kanya. Payo ng mga eksperto sa ganitong sitwasyon – makinig lang at huwag magpa-apekto. Kung nagsisimula na naman siya ng hindi kagandahang kwento o paninira sa kapwa, o kaya ay reklamo niya sa buhay – huwag nang patulan at layuan agad para malaman niyang hindi mo pina-patronize ang kadramahan niya sa buhay.

2. Do not listen alone – Tiyakin na may kasama ka kapag kinakausap niya o nakikinig sa kanyang kwento. Huwag daw hayaan na ikaw lang o mag-isa ka lang na kinakausap niya para hindi mo ma-absorb lahat ng kanyang negative energy. Sa ganito ding paraan, madali kang makapag-excuse na umalis o iwanan siya.

3. Positive to Negative attacks – ang mga “nega-star” daw ay kadalasang “critical” o mahilig mag-puna sa iba. Madalas ding tactless ang mga taong ito lalo kung para sa iyo ang komento at kung itinuturing ka niyang friend o ka-close. Hindi naman daw personal ang kanyang mga banat pero natural na sa kanya ang magbitiw ng ganitong mga salita na maaaring makasakit ng damdamin. (Pero pansinin na siya din yung masyadong sensitive). Ang gagawin lamang ay suriin ang kanyang mga sinasabi at magbigay ng positibong komento sa negatibo niyang salita. Kapag nilait ka niya, just say “Thank you” at huwag ipakitang nagalit o napikon ka dahil mas matutuwa sila.

4. Don’t give them space for negativity – ang pagiging nega ng isang tao ay naka-depende sa kung anong paksa o subject ang inyong pinag-uusapan. Upang makaiwas sa mga dating eksena gaya ng mga reklamo niya sa trabaho o ka-trabaho, pumili ng mga simpleng isyu gaya ng pelikula, bagong damit o make-up. Sa ganitong paraan daw ay mada-divert ang kanyang atensyon at hindi makaka-eksena ang pagka-nega star niya.

5. Drown them from your life – kung wala naman mawawala sa iyo mas makakabuti daw na alisin na lang sila sa listahan ng iyong mga friends. Sa halip, pakisamahan ang mga kaibigan na may magandang impluwensya at makakabuti at mga positibong tao na mas magiging “rewarding and fruitful” ang inyong buhay.

Hindi naman masama na umiwas sa mga taong hindi naman makakatulong sa iyo. Dapat din tandaan na saan man kayo magpunta ay maraming ganitong uri ng tao kaya mahalaga kung paano sila pakikibagayan.

Anuman ang problema, kung positibo natin itong haharapin malalagpasan din yan. Keri lang.

Pakinggan ang Inquirer Breakfast Club (Mon-Fri 5:00-6:00am), Tinig ng mga Eksperto (Sat. 8:00-9:00am), Warrior Angel (Sat & Sun 11:00-12:00nn)

Read more...