2 lalaki, natagpuang patay sa Puerto Prinsesa City

By Angellic Jordan September 15, 2019 - 05:48 PM

PRO MIMAROPA PHOTO

Natagpuang patay ang dalawang lalaki sa isang highway sa Puerto Prinsesa City, Linggo ng umaga.

Ayon sa Police Regional Office MIMAROPA, nakitang wala nang malay ang mga biktimang sina Henry Gazo Jr. at Ivan Ombion sa bahagi ng Kilometer 28 North National Highway sa Barangay Sta. Cruz bandang 5:45 ng umaga.

Sina Gazon at Ombion ay kapwa-residente ng Barangay Sta. Monica.

Nakitang nakatali ang kamay at paa ng mga biktima sa loob ng isang kulay kahel na tricyle sa may plate number na BC 44173.

Matapos ang isinagawang ocular inspection, lumabas din na nakitaan ng hiwa sa leeg, kamay at paa ang mga biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Barangay Sta. Cruz, Henry Gazo Jr., Ivan Ombion, Puerto Prinsesa City, Barangay Sta. Cruz, Henry Gazo Jr., Ivan Ombion, Puerto Prinsesa City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.