Juan Elorde, nabigong masungkit ang WBO super bantamweight world title kay Emmanuel Navarette
Nabigo ang Filipino boxer na si Juan Miguel Elorde na masungkit ang WBO super bantamweight world title laban kay Mexican boxer Emmanuel Navarette.
Nanalo si Navarette sa pamamagitan ng technical knockout (TKO) sa ikaapat na round ng laban.
Nauna nang napatumba ni Navarette si Elorde sa ikatlong round ngunit lalong nagbato ng mga suntok ang defending champion dahilan para manalo sa boxing match.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na naidepensa ni Navarette ang world title.
Dahil dito, si Navarette ay mayroon nang 29-1 win-loss record habang si Elorde naman ay may 28-2 win-loss record.
Undercard ang laban nina Elorde at Navarette sa bakbakan nina Tyson Fury at Otto Wallin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.