Mga high-profile inmate, kontrolado ang sistema sa Bilibid – Sen. Lacson

By Angellic Jordan September 15, 2019 - 05:40 PM

Inihayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kontrolado na ng mga high-profile inmate ang sistema sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na ang mga high-profile inmate na makapangyarihan at mayayaman ang halos nagpapatakbo sa pambansang piitan.

Ang mga high-profile inmate rin aniya ang nakapagsasabi kung sinu-sino ang dapat ilipat ng kulungan, ma-confine sa ospital at kung paano tatakbo ang operasyon ng ilegal na droga sa labas ng Bilibid.

Sa paglipas ng panahon, sinabi nito na tumindi na ang maling kalakaran sa Bilibid kung kaya’t naging ‘helpless’ na aniya ang gobyerno.

Ani Lacson, mabuti na lamang na nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado para mabunyag ang lahat ng maling sistema sa nasabing piitan.

TAGS: high-profile inmate, new bilibid prison, Sen. Ping Lacson, high-profile inmate, new bilibid prison, Sen. Ping Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.