Ilang lansangan sa Maynila sarado bukas para sa prusisyon ng replica ng Black Nazarene

By Dona Dominguez-Cargullo January 06, 2016 - 06:41 AM

Photo by: Nino Jesus Orbeta of Philippine Daily Inquirer
FILE PHOTO / Nino Jesus Orbeta of Philippine Daily Inquirer

Isasara simula bukas ng umaga, January 7, ang ilang lansangan sa Maynila dahil sa isasagawang prusisyon ng replica ng Poong Nazareno.

Kabilang sa isasarang mga kalsada simula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi ang Southbound lane ng Quezon Blvd sa Quiapo, ang Andalucia Street hanggang Plaza Miranda sa Claro M. Recto.

Isasara din ang bahagi ng Evangelista, Espanya, P. Campa at Lerma.

Narito ang ruta na daraanan ng prusisyon bukas para sa replica ng Poong Nazareno:

– Plaza Miranda thru Villalobos Street
– Left to Quezon Blvd
– Right to CM Recto
– Right to Loyola St
– Right to Bilibid Viejo thru Puyat St
– Left to Guzman Street (Mendoza St)
– Right to Hidalgo St
– Left to Barbosa St
– Right to Globo de Oro St
– Right to Villalobos St thru Plaza Miranda

Ang mga sasakyang magmumula sa Espanya at patungong Roxas Blvd, South Pier Zone o sa Taft Avenue ay pinapayuhang kumanan sa P. Campa Street patungo sa Fugoso Street.

TAGS: Black Nazarene, procession for the Replica of black nazarene, Black Nazarene, procession for the Replica of black nazarene

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.