Barangay chairman sa Camarines Sur, sugatan sa pamamaril

By Angellic Jordan September 15, 2019 - 04:17 PM

Sugatan ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa Siruma, Camarines Sur Sabado ng gabi.

Ayon kay Police Maj. Maria Luisa Calabuquib, tagapagsalita ng Bicol police, pinagbabaril ang biktimang si Romeo Decin habang nasa loob ng kaniyang bahay bandang 7:45 ng gabi.

Si Decin ay chairman ng Barangay Nalayahan sa nasabing bayan.

Agad namang nakatakas ang hindi pa nakikilala ang responsable sa pamamaril.

Nakuha ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang walong basyo ng bala ng caliber 45 na baril.

Patuloy pa naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kung ano ang motibo sa likod ng pananambang.

TAGS: Barangay Nalayahan, Bicol police, camarines sur, Romeo Decin, Siruma, Barangay Nalayahan, Bicol police, camarines sur, Romeo Decin, Siruma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.