Bilang ng mga sumukong convict sa karumal-dumal na krimen, umabot na sa higit 400 – PNP

By Angellic Jordan September 15, 2019 - 03:03 PM

Nadagdagan ang bilang ng mga sumukong convict na sangkot sa karumal-dumal na krimen, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Maagang napalaya ang mga convict na sangkot sa karumal-dumal na krimen sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa pinakahuling tala ng PNP, araw ng Linggo (September 15), umabot na sa kabuuang 431 na convict ang sumuko sa iba’t ibang police unit sa bansa.

Kabilang sa mga sumukong convict ang mga sumusunod:
– 138 convicts sa kasong murder
– 130 sa kasong rape
– 42 sa robbery with homicide
– 28 sa homicide
– 18 sa kasong may kaugnayan sa droga
– tig-14 sa rape with homicide at murder and frustrated murder
– 9 sa robbery with rape
– 8 sa parricide
– 6 sa frustrated homicide
– 3 sa illegal possession of firearms

Samantala, tig-dalawang convict naman ang sumuko na may kinalaman sa kasong murder and robberym attempted rape and homicide, robbery, kidnapping, at theft.

Habang tig-isa naman sa kasong carnapping, carnapping with homicide, rape with murder, rape and arson, abduction with rape, kidnapping with murder, gunban, attempted rape, acts of lasciviousness, paglabag sa Republic Act 9262 at Republic Act 9287.

Samantala, umabot na sa 1,914 na convict ang nai-turnover ng PNP sa Bureau of Corrections (BuCor).

TAGS: Bureau of Corrections, GCTA, new bilibid prison, PNP, Bureau of Corrections, GCTA, new bilibid prison, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.