Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin
Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 12:39 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Bataan, Quezon, Laguna, Pampanga at Nueva Ecija.
Mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban dito, apektado rin ang Metro Manila; Santa Cruz at Candelaria sa Zambales; Doña Remedios Trinidad sa Bulacan; Rodriguez, Antipolo at Tanay sa Rizal.
Inabisuhan ang mga apektadong residente na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.