Pelikulang ‘Kita Kita,’ magkakaroon ng Indonesian remake

PHOTO GRAB FROM: sigridandreapbernardo/INSTAGRAM

Magkakaroon ng remake sa Indonesia ang Filipino film na ‘Kita Kita.’

Sa Instagram, inanunsiyo ni Director Sigrid Andrea Bernardo ang Indonesian remake sa pamamagitan ng pag-post ng video teaser para sa pelikula.

Ang title ng Indonesian remake ng ‘Kita Kita’ ay ‘Cintu Itu Buta’ o ang ibig-sabihin ay ‘Love is Blind.’

Ani Bernardo, hindi niya naiwasang maluha nang makita niya ang nasabing pelikula.

Ginawa aniya ang pelikula sa bahagi ng Busan, South Korea.

Binati naman ng direktor ang mga aktor na si Empoy Marquez, Alessandra de Rossi at maging ang buong production team ng ‘Kita Kita’ at ‘Cintu Itu Buta.’

Read more...