Cargo truck nasunog sa Maharlika Highway sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2019 - 12:09 PM

Tinupok ng apoy ang isang cargo truck habang binabaybay ang maharlika Highway sa Atimonan, Quezon.

Ayon sa Atimonan police, nasunog ang isang Fuso wing van na may lulang sako-sako ng carbon at minamaneho ni Jimmy Madaraso.

Bigla na lamang umanong umusok ang unahang bahagi ng van dahilan pagsapit sa Brg. Sta. Catalina.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero at mabilis naapula ang apoy.

Wala ring nasaktan sa insidente.

Maari umanong faulty electrical wiring ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: cargo truck, fire, fire incident, Quezon, truck, cargo truck, fire, fire incident, Quezon, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.