Metro Manila, mga kalapit na lalawigan nakararanas ng malakas na pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2019 - 11:45 AM

Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 11:25 ng umaga ng Linggo, Sept. 15 ang Zambales, Cavite, Laguna, Bataan at Bulacan ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa loob ng susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay din ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, at sa mga bayan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa PAGASA ang pag-ulan ay dulot ng thunderstorm.

Pinayuhan naman ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.

TAGS: pagasa, thunderstorm advisory, weather, pagasa, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.