Dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr., nakalabas na ng ospital

By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2019 - 11:19 AM

Nakalabas na ng pagamutan si dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. matapos masugatan sa pananambang noong Miyerkules sa San Carlos City.

Sa Facebook account ng kaniyang anak na si Pangasinan 2nd Dist. Rep. Jumel Espino ay makikita ang dating gobernador habang nasa kanilang tahanan.

Ilang bisita ang tinanggap ng dating gobernador kabilang si Senator Bato Dela Rosa.

Ang nakatatandang Espino ay nakaligtas sa pananambang noong Miyerkules. Nagtamo ito ng tama ng bala sa kaniyang tagiliran.

Nasawi naman sa nasabing insidente ang dalawa niyang tauhan.

TAGS: amado espino jr, ambush, pangasinan, amado espino jr, ambush, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.