Dalawang napalaya dahil sa GCTA sumuko sa Quezon
By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2019 - 10:58 AM
Sumuko sa mga otoridad sa Quezon ang dalawang preso na nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance.
Ayon sa ulat ni Col. Audrie Madrideo, Quezon police chief, sumuko sina Santiago Carugal, 46 at si Danilo Almacen, 58 anyos.
Si Carugal ay nahatulan sa kasong robbery with homicide noong taong 2000 at nakalaya noon lamang February 2019.
Habang si Almacen ay nakalaya naman noong Aug. 12, 2016.
Ang dalawa ay kapwa nasa kostodiya muna ng Quezon police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.