7 arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon

Arestado ang limang lalaki sa buy-bust na ikinasa ng mga otoridad sa loob ng isang hotel at resort sa Barngay Poblacion, Candelaria, Quezon.

Isinagawa ang operasyon Sabado (Sept. 14) ng gabi Ayon kay Quezon Police Chief Col. Audie Madrideo.

Nadakip sa loob ng hotel at resort ang suspek na si Christian montecillo na nagbenta ng shabu sa isang police poseur buyer.

Naaresto din ang kaniyang mga parokyano na kinilalang sina Darius Dela Cruz, Nicanor Aguila Jr., Kristoffer Castillo at Ailene Sarmiento.

Ang apat ay naaktuhan sa kasagsagan ng drug session.

Nakuha sa kanila ang 1.92 grams ng shabu at mga drug paraphernalia.

Si Montecillo ay dati nang nakulong dahil din sa ilegal na droga.

Samantala, sa bayan ng Sariaya at sa Lucena City dalawa pang suspek din ang nadakip sa buy-bust.

Si Justine Vincent Salivia ay naaresto matapos mabilihan ng shabu ng poseur buyer sa Barangay 5 Lucena City.

Habang si Lord Allan Briñosa ay naaresto naman sa buy-bust sa barangay Guis-Guis sa Sariaya.

Read more...