WATCH: P27M na halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust operation sa QC, suspek patay matapos manlaban

Patay ang ang isang hinihinalaang drug pusher makaraang maka-engkuwentro ng mga tropa ng National Capital Regional Police Office(NCRPO) at ng Quezon City Police District at PDEA sa Cubao Quezon City.

Nangyari ang insidente pasado alas 5:00 umaga ng linggo Sept.15 sa bahagi ng Brgy. San Roque.

Sa impormasyon mula kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, nabatid na nasa apat na kilo ng shabu ang nasabat mula sa suspek at ito ay may street value na P27.2 million.

Kinilala ng mga otoridad ang nasawing suspek na si Edgardo Alfonso, residente ng Brgy Tramo, Pasig City.

Ikinasa ang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa P. Tuazon Avenue kung saan positibong nakabili ang poseur-buyer sa suspek.

Nang makatunog na pulis ang kanyang ka-transaksiyon ay nagpaputok ito ng baril na agad namang nakaganti ang mga pulis at napatay ang suspek.

Narekober sa crime scene ang mga sumusunod:

-apat na pirasong transparent zip lock plastic bags na naglalaman ng shabu na may timbang na tig isang kilo bawat plastic.
-15 bundles ng P1,000.00 bills na nagkakahalaga ng P1.5 million na ginamit sa transaksiyon.
-1 caliber .45 pistol at magazine.


 

Read more...