Mga lalawigan sa Region 3 patuloy na inuulan

Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang mga lalawigan sa Region 3.

Sa abiso ng PAGASA, alas 9:43 ng umaga ay nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Bataan, Pampanga, at Nueva Ecija.

Ganitong lagay din ng panahon ang nararanasan sa Bulacan.

Ayon sa PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha.

Muling maglalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa susunod na mga oras.

Read more...