Iza Calzado plano nang magka-baby kahit foster child

By Ricky Brozas September 15, 2019 - 09:52 AM

Pinag-iisipan na ng aktres na si Iza Calzado at ng kanyang negosyanteng mister na magkaroon ng anak.

Sabi ni Iza, balak na nila ng mister na si Ben Wintle na magka-baby oras na matapos niya ang kanyang mga commitments sa showbiz.

Tatlo agad ang gustong maging supling ng mag-asawa sa pamamagitan ng natural na paraan ng pagbubuntis o ‘di kaya naman ay sa pamamagitan ng assisted reproductive technology o pag-aampon.

Nagpapasalamat naman ang 37-year-old actress sa pagiging supportive ng kanyang kabiyak, na bukas din na magkaroon ng foster children.

TAGS: children, foster child, Iza Calzado, pregnancy, children, foster child, Iza Calzado, pregnancy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.