Habagat magpapaulan sa Southern Luzon at Visayas

Apektado ng Habagat ang Southern Luzon at Visayas.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ng Linggo, Sept. 15 ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol Region, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Western Visayas, Palawan, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Ang Metro Manila ay makararanas din ng maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Magiging maulan din ngayong araw sa Visayas.

Ayon sa PAGASA ang Tropical Depression Marilyn ay huminanna at naging isang low pressure area na lamang nang ito ay lumabas ng bansa Sabado ng gabi.

Read more...