Babae patay sa ambush ng riding tandem sa Manila

By Len Montaño September 15, 2019 - 04:17 AM

Patay ang isang babae matapos itong pagbabarilin ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo General Hospital ang biktima na kinilalang si Karen Banggilan dahil sa tinamo nitong apat na tama ng bala ng baril.

Ayon sa pulisya, nakaupo lamang ang biktima malapit sa barangay hall nang dumating ang riding in tandem at pinagbabaril ito.

Nabatid na dati nang nakulong ang babae dahil sa droga at naka-piyansa lamang kaya pansamantalang nakalaya.

 

TAGS: ambush, dati ng nakulong, dead on arrival, manila, patay sa pamamaril, riding in tandem, Tondo, ambush, dati ng nakulong, dead on arrival, manila, patay sa pamamaril, riding in tandem, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.