2 arestado sa drugs operations sa Maynila

By Len Montaño September 15, 2019 - 04:08 AM

Arestado ang dalawang umanoy nagtutulak ng droga sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila.

Naaresto ang isang driver ng side car sa Malate, Manila matapos itong maaktuhan ng nagpapatrulyang mga pulis na nagbebenta ng isang sachet ng shabu.

Nang hulihin ay nagwala ang suspek ay nagpatulong sa kanyang pamilya pero wala na itong kawala matapos makumpirma na kasama ito sa drugs watchlist.

Sa Binondo naman ay naaresto ang isang lalaki matapos makuhanan ng isang sachet ng marijuana.

Nakita ng mga pulis na umiihi ang suspek at nang kapkapan ay nakumpiska ang droga sa kanyang pag-iingat.

 

TAGS: 1 sachet, 2 arestado, drugs operation, marijuanan, Maynila, naaktuhan, patrulya, shabu, 1 sachet, 2 arestado, drugs operation, marijuanan, Maynila, naaktuhan, patrulya, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.