Trump: Anak ni Bin Laden napatay sa operasyon sa Afghanistan-Pakistan border
Kinumpirma ni US President Donald Trump na napatay ang anak ni Al-Qaeda founder Osama bin Laden sa operasyon kontra terorismo sa border ng Afghanistan at Pakistan.
Noong nakaraang buwan ay unang kinumpirma ni Secretary of Defense Mark Esper na patay na ang nakababatang Bin Laden.
Araw ng Sabado ay sinabi ni Trump na si Hamza bin Laden, isang high-ranking na miyembro ng Al Qaeda at anak ni Osama bin Laden, ay napatay sa operasyon sa naturang border.
Si Hamza ang sinasabing “designated heir” o tagapagmana ng kanyang ama na si Osama.
Ayon kay Trump, ang pagkamatay ni Hamza ay kawalan sa pamunuan ng Al-Qaeda at sa simbolikong koneksyon ng kanyang ama.
Si Hamza, na nasa 30 anyos, ang pang-labing lima sa 20 anak ni Bin Laden na anak nito sa kanyang ikatlong asawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.