Drilon: DOJ dapat na mas may kontrol sa BuCor

Inquirer File photo/EDWIN BACASMAS

Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magkaroon ng mas kontrol ang Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Dahil dito ay isinulong ni Drilon na dapat amyendahan ang batas na nagbabawas ng kontrol ng DOJ at BuCor.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sa Bureau of Corrections Act of 2013 ay administrative lamang ang supervision ng ahensya sa bureau.

Nagpatulong ang senador sa kalihim sa paggawa ng panukala na papalitan ang naturang batas.

Tiniyak ni Drilon ang kanyang hakbang para muling bigyan ang DOJ ng kapangyarihan sa BuCor.

Sa imbestigasyon ng Senado ay lumutang na tila hindi alam ni Guevarra ang pagpapalaya ng BuCor sa ilang convicts ng heinous crimes.

Nabunyag sa pagdinig umanoy maanomalyang implementasyon ng BuCor sa good conduct time allowance (GCTA) law.

 

Read more...