LOOK: Pagrampa ng Kapamilya stars sa ABS-CBN Ball 2019

By Len Montaño September 15, 2019 - 03:11 AM

Rumampa ang mga Kapamilya stars sa ABS-CBN Ball 2019 Sabado ng gabi.

Suot ang kani-kanilang Filipiñana-themed attire, hindi nagpatalbog ang bawat isang artista ng ABS-CBN sa taunang event.

Ilan ang nagwagi ng mga parangal dahil sa ganda ng kanilang mga damit at husay ng kanilang pagdadala habang nasa red carpet at sa harap ng mga camera.

Nakakuha sina Bea Alonzo, ang “Darna” star na si Jane de Leon at Maymay Entrata ng special awards.

Si Bea ang nakakuha ng best dressed award sa suot nitong itim na off-shoulder gown.

Nakuha naman ni Jane ang Belo Beauty on the Rise award habang itinanghal na Belo Belle of the Ball si Maymay na may suot na turtleneck gown.

Isa pang award ang nakuha ni Maymay nang itanghal sila ng kanyang kapareha na si Edward Barber na couple of the night.

Sumunod ang mga reel and real life couples na sina Daniel Padila at Kathryn Bernardo at Enrique Gil at Liza Soberano.

Hindi rin nagpahuli ang ilan pang malalaking artista ng naturang network kabilang sina Coco Martin, Judy Ann Santos na kasama ang asawang si Ryan Agoncillo, Julia Barreto at iba pa.

Gayundin ang mga beauty queens na sina Pia Wurtzbach, Bianca Manalo, Lara Quigaman at Maxine Medina.

TAGS: ABS-CBN Ball 2019, beauty queens, big star, couple of the night, Filipiñana, Kapamilya, rampa, red carpet, special awards, ABS-CBN Ball 2019, beauty queens, big star, couple of the night, Filipiñana, Kapamilya, rampa, red carpet, special awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.