M3.2 aftershock naitala sa Quezon

Naitala ang magnitude 3.2 na aftershock sa Burdeos, Quezon alas 12:07 Linggo ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pinakahuling lindol sa lugar na may lalim na 37 kilometro.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.3 na lindol na tumama sa lalawigan araw ng Biyernes.

Naramdaman ang malakas na lindol sa kalapit na mga lalawigan ng Quezon kabilang sa Metro Manila.

Wala namang inaasahang pinsala at panibagong aftershock.

 

Read more...