1 sugatan sa pagsabog ng granada sa restaurant sa Maynila

By Len Montaño September 15, 2019 - 01:15 AM

Screengrab of Brgy. 638 Manila CCTV

Isa ang napaulat na nasugatan matapos ang pagpapasabog sa isang restaurant sa San Miguel, Manila.

Ayon sa ulat, hinagisan ng granada ang C-Food Restaurant, na pag-aari ng isang Macario Tinio, sa kanto ng 5th Street at Concepcion Aguila Street alas 3:30 Sabado ng hapon.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 638 sa lungsod na ibinahagi ng Manila Police District Public Information Office, mapapanood ang pagdaan ng mga sasakyan sa isang restaurant na nasa kanto.

Maya maya pa ay isang lalaki na nakasakay sa motorsiko ang naghagis ng granada pagdaan nito sa restaurant.

MPD photo

Ang suspek ay nakasuot ng short at itim na long sleeve na pantaas at hindi kita ang mukha dahil sa suot na helmet.

Pero kuhang kuha sa CCTV ang paghagis nito ng granada sa harapan ng restaurant na sumabog makalipas ang ilang segundo.

Business rivalry o away sa negosyo ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa pagpapasabog dahil bukod sa granada ay hinagisan din ng martilyo ang bintana ng establisyimento.

Nakakatanggap umano ng banta sa pamamagitan ng text message ang may-ari ng restaurant.

TAGS: 1 sugatan, Barangay 638, cctv, granada, lalaking nakamotorsiklo, manila, MPD PIO, pagsabog, restaurant, 1 sugatan, Barangay 638, cctv, granada, lalaking nakamotorsiklo, manila, MPD PIO, pagsabog, restaurant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.