Droga ipinuslit sa kulungan sa MPD Station 4; Babaeng dalaw itinago sa ari ang shabu

By Len Montaño September 14, 2019 - 11:50 PM

MPD photo

Nakumpiska ng Manila Police District (MPD) Station 4 ang dalawang sachet ng shabu na nakalagay sa isang kaha ng sigarilyo sa isinagawang Oplan Greyhound sa presinto sa Sampaloc.

Ikinasa ni PS4 commander Lt. Col, Robert Domingo ang operasyon kasunod ng positibong intelligence report na may ipinasok na shabu sa presinto.

Matapos ang inspeksyon, umamin ang isang babaeng inmate na ang shabu ay ipinuslit ng kanyang dalaw sa pamamagitan ng pagtago ng droga sa ari nito.

Tinutugis na ang babaeng dalaw na nagpasok ng droga sa kulungan.

Sinabi naman ni MPD director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na hindi nila palalampasin ang nasabing iligal na gawain.

 

TAGS: 2 sachet, babaeng dalaw, babaeng inmate, Brig. Gen. Vicente Danao Jr., itinago sa ari, kaha ng sigarilyo, manila, Manila Police District, Oplan Greyhound, Sampaloc, shabu, Station 4, 2 sachet, babaeng dalaw, babaeng inmate, Brig. Gen. Vicente Danao Jr., itinago sa ari, kaha ng sigarilyo, manila, Manila Police District, Oplan Greyhound, Sampaloc, shabu, Station 4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.