93 bagong aircon units naikabit na sa mga bagon ng MRT-3
Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkakabit ng mga bagong air conditioning units sa mga tren ng Metro Rail Transit- (MRT3).
Sa Facebook post ng ahensya araw ng Sabado, nakasaad na naikabit na ang bagong 93 aircon units sa mga bagon ng MRT-3.
Ayon DOTr, umabot na sa 120 ang kabuuang bilang ng mga bagong ACUs na nailagay na sa naturang rail system.
Una rito noong Agosto ay dagdag na 33 bagong aircon units ang naikabit sa MRT-3 at ito ay bukod pa sa 60 units na inilagay sa mga bagong bagon noong nakaraang taon.
Ang mga bagong ACUs ay nagkakahalaga ng halos P167 million na binili ng kumpanyang Sumitomo.
Ang paglalagay ng mga bagong aircon units ay sa ilalim ng komprehensibong rehabilitasyon ng MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.