11 baboy sa QC namatay sa ASF

By Len Montaño September 14, 2019 - 10:42 PM

Labing-isang baboy sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City ang namatay sa African Swine Fever (ASF).

Sa kumpirmasyon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, positibo sa ASF ang 11 baboy.

Gayunman ay pinawi ni Belmonte ang pangamba dahil noong bago pa lamang ang balita ukol sa ASF ay nagkasa na anya ng checkpoints sa lahat ng maaaring pasukan ng mga baboy sa lungsod.

Tiniyak din ng alkalde ang hakbang ng lokal na pamahalaan na kontrolin ang pagkalat ng naturang sakit sa mga baboy.

Samantala, dahil kumpirmadong ASF ang ikinamatay ng mga baboy sa Quezon City ay mas marami pang lugar ang inilagay sa quarantine.

Ayon kay Agriculture Secretay William Dar, may lugar pa sa Central Luzon na naka-quarantine pero hindi nila ito pwedeng tukuyin.

Ito anya ay para maisagawa ng ahensya ang protocol na matukoy ang ground zero para hindi na kumalat ang ASF.

Muling umapela si Dar sa mga magbababoy na agad ipalaam ang kahina-hinalang pagkamatay ng mga baboy kasunod na rin ng paglutang ng mga patay na baboy sa creek sa Quezon City at Marikina.

Sinabi naman ng kalihim na hindi pa niya kinumpirma na ASF ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy sa Quezon City.

Sana anya ay ipinaubaya ni Mayor Belmonte sa Department of Agriculture ang anunsyo na kumpirmadong namatay ang mga baboy sa Barangay Bagong Silangan dahil sa nasabing sakit.

 

TAGS: Acting Agriculture Secretary William Dar, African Swine Fever, baboy, creek, kumpirmado, Marikina, Mayor Joy Belmonte, quarantine, quezon city, Acting Agriculture Secretary William Dar, African Swine Fever, baboy, creek, kumpirmado, Marikina, Mayor Joy Belmonte, quarantine, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.