Ilang baboy na nakitang lumulutang sa ilang creek sa QC positibo sa ASF

By Den Macaranas September 14, 2019 - 07:27 PM

Inquirer file photo

Kumpirmadong African Swine Fever (ASF) infected ang apat na baboy na kabilang sa mga nakitang palutang-lutang sa ilang mga creek sa Quezon City.

Sinabi ni Quezon City Veterinarian Dr. Anna Marie Cabel na ito ay batay sa kanilang pagsusuri sa nasabing mga baboy.

May nakita rin silang mga baboy sa ilang backyard piggery sa lungsod na positibo sa nasabing sakit.

Kaugnay nito ay mas lalo pang naghigpit ang pamahalaang lokal ng Quezon City para matiyak na hindi makalulusot sa mga pamilihan ang mga baboy na kontaminado ng ASF.

Ipinaliwanag ng opisyal na nagdagdag na rin sila ng checkpoints sa ilang mga lugar para mapigil ang pagpasok at paglabas ng mga baboy at meat products na posibleng nahawa sa nasabing sakit.

Bukod dyan ay patuloy rin ang kanilang pag-iikot sa mga palengke sa lungsod para mapangalagaan ang seguridad ng publiko.

TAGS: African Swine Fever, creek, floating, quezon city, African Swine Fever, creek, floating, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.