Barko ng US tumawid sa Paracel Island para igiit ang “freedom of navigations”
Inihayag ng US Navy na naglayag malapit sa Paracel Islands sa South China Sea ang isa sa kanilang mga barko.
Ito ay bilang pagpapakita ng navigation rights dahil itinuturing nila na bahagi ng international waters ang lugar na kabilang sa mga inaangking teritoryo ng ilang mga bansa.
Ang USS Wayne E. Meyer na isang guided-missile destroyer ay tumawid sa Paracel Islands malapit sa Silangan ng Vietnam at Timog ng Hainan Island.
Sadya umano silang hindi nagpaalam sa China, Vietnam at Taipei na pare-parehong may claim sa nasabing lugar.
Sinabi ni US Navy Commander Reann Mommsen, spokesperson ng US 7th Fleet na nakabase sa Japan na tinawid nila ang Paracel Islands hindi para guluhin ang sitwasyon sa rehiyon kundi igiit na wala sinuman ang dapat umangkin sa international waters.
“With these baselines, China has attempted to claim more internal waters, territorial sea, exclusive economic zone, and continental shelf than it is entitled under international law,” dagdag pa ni Mommsen.
Tiniyak pa ng US Navy official na itutuly nila ang serye ng “freedom of navigation operations” or “FONOPS sa rehiyon.
Wala namang inilabas na pahayag ang ilang mga claimant-countries sa Paracel Islands sa naging hakbang ng US Navy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.